Wednesday, 1 March 2017

Tulay

Si Joshua ay isang magaling na mang-aawit, parati siyang nananalo sa mga sinasalihan niyang patimpalak. Nais nya itong ialay sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Si Joshua ay labing pitong taong gulang. masipag syang mag aral. Mapagmahal sa kapwa at lalo na sa kanyang pamilya. Isang araw ng maisipan nyang sumulat ng kanta, pumonta sya sa paborito nyang lugar ang “tulay” kung saan makikita mo ang paligid at nakakapag isip sya ng maayos para sa kantang kanyang binubuo. Habang sya ay seryosong nagsusulat may isang asong lumapit sa kanya, tila ba ito`y nawala di kalaunan may isang babaeng naglalakad na animo`y parang may hinahanap nakasuot ito ng kulay pulang damit na bumagay sa kanyang balat na puti. Hindi nya maialis ang kanyang mata sa babaeng papalapit sa kanya. Bigla syang nakaramdam ng kaba. Bigla nyang narinig ang puso nyang kumakabog ng malakas. Naibalik na lamang sya sa kanyang ulirat ng may sinabi sa kanya ang babae. “magandang hapon, pasensya kana sa aso ko ah? Bigla nalang kasi syang kumawala eh” bigla nyang naisip na kung hindi dahil sa aso niya ay baka di niya Makita ang babaeng nakangiti ngaun na parang isang anghel ang kagandahan.mahirap mang paniwalaan pero sa tingin nya ay may nararamdaman na sya para rito. Nalaman nyang bagong lipat lang pala sila. Naging mag kaibigan ito, naging mag best friend at di kalaunan ay naging magkasitahan. Labis ang sayang naramdaman ni Joshua sinabi nya sa kanyang sarili na ito na ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Tumagal sila ng mahigit tatlong taon. Palagi rin silang pumupunta sa tulay at pinapanood ang araw na papalubog tuwing naroroon sila sa tulay ay sinasabi nila kung gaani nila kamhal ang isat-isa. Sa tulay na iyon sila unang nagkakilala at sa tulay din iyong nakiha ni Joshua ang pinakamatamis na “OO” ni Alyana. Makalipas ang ilang araw bigla na lamang binalita ni Alyana kay Joshua na aalis na sila at pupuntang manila. Doon na daw magtratrabaho si Alyana. Nais mang sumama ni Joshua ngunit hindi sya pinayagan ni Alyana dahil nandito daw ang kanyang mga magulang. Walang nagawa si Joshua kundi tangagapin ang katotohanan na malalayo sila sa piling ng isat-isa. Nangako silang lagi silang mag-uusap sa telepono, nangako silang walan magbabago kahit ano pamang pagsubok ang kanilang danasin. Sa una lagi pa silang nag-uusap, lagging nagtatawagan, lagging nagkwekwentohan ngunit habang patagal ng patagal pabago bago din ang ugali ni Alyana, palagi na itong nagagalit sa kanya, palagi na itong nagsisimula ng away. Doon niya nalaman na may ibang lalaki na pala ito. Napakasakit nito para sa kanya. Parang sa isang iglap bigla nalang nagbago ang lahat. Naghiwalay sila. Walang nagawa si Joshua kundi umiyak sa tulay kasabay ang lumolubog na araw. Lumipas ang ilang taon bumalik si Alyana, ngunit iba na ang nasaksihan niya. Iba na ang nakita niya! Ang dating malinis na Joshua ngayon ay isang napakadumi na, matataas na din ang kanyang buhok at amoy araw na parang ilang linggong hindi naligo labis ang kanyang pagkalungkot ng malamang dahil pala sa kanya kaya ito nagging ganito. Kaya ito nagging baliw. Bigla nyang naalala ang lahat ng pinagsamahan nila. Humingi sya ng tawad dito ngunit huli na ang lahat. Namatay si Joshua dahil sa loob ng ilang araw parati lang itong nasa tulay. Hindi kumakain palaging umiiyak at parating hinihintay n asana bumalik sa dati ang lahat

~the end.