Wednesday 1 March 2017

Tulay

Si Joshua ay isang magaling na mang-aawit, parati siyang nananalo sa mga sinasalihan niyang patimpalak. Nais nya itong ialay sa babaeng matagal na niyang hinahanap. Si Joshua ay labing pitong taong gulang. masipag syang mag aral. Mapagmahal sa kapwa at lalo na sa kanyang pamilya. Isang araw ng maisipan nyang sumulat ng kanta, pumonta sya sa paborito nyang lugar ang “tulay” kung saan makikita mo ang paligid at nakakapag isip sya ng maayos para sa kantang kanyang binubuo. Habang sya ay seryosong nagsusulat may isang asong lumapit sa kanya, tila ba ito`y nawala di kalaunan may isang babaeng naglalakad na animo`y parang may hinahanap nakasuot ito ng kulay pulang damit na bumagay sa kanyang balat na puti. Hindi nya maialis ang kanyang mata sa babaeng papalapit sa kanya. Bigla syang nakaramdam ng kaba. Bigla nyang narinig ang puso nyang kumakabog ng malakas. Naibalik na lamang sya sa kanyang ulirat ng may sinabi sa kanya ang babae. “magandang hapon, pasensya kana sa aso ko ah? Bigla nalang kasi syang kumawala eh” bigla nyang naisip na kung hindi dahil sa aso niya ay baka di niya Makita ang babaeng nakangiti ngaun na parang isang anghel ang kagandahan.mahirap mang paniwalaan pero sa tingin nya ay may nararamdaman na sya para rito. Nalaman nyang bagong lipat lang pala sila. Naging mag kaibigan ito, naging mag best friend at di kalaunan ay naging magkasitahan. Labis ang sayang naramdaman ni Joshua sinabi nya sa kanyang sarili na ito na ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Tumagal sila ng mahigit tatlong taon. Palagi rin silang pumupunta sa tulay at pinapanood ang araw na papalubog tuwing naroroon sila sa tulay ay sinasabi nila kung gaani nila kamhal ang isat-isa. Sa tulay na iyon sila unang nagkakilala at sa tulay din iyong nakiha ni Joshua ang pinakamatamis na “OO” ni Alyana. Makalipas ang ilang araw bigla na lamang binalita ni Alyana kay Joshua na aalis na sila at pupuntang manila. Doon na daw magtratrabaho si Alyana. Nais mang sumama ni Joshua ngunit hindi sya pinayagan ni Alyana dahil nandito daw ang kanyang mga magulang. Walang nagawa si Joshua kundi tangagapin ang katotohanan na malalayo sila sa piling ng isat-isa. Nangako silang lagi silang mag-uusap sa telepono, nangako silang walan magbabago kahit ano pamang pagsubok ang kanilang danasin. Sa una lagi pa silang nag-uusap, lagging nagtatawagan, lagging nagkwekwentohan ngunit habang patagal ng patagal pabago bago din ang ugali ni Alyana, palagi na itong nagagalit sa kanya, palagi na itong nagsisimula ng away. Doon niya nalaman na may ibang lalaki na pala ito. Napakasakit nito para sa kanya. Parang sa isang iglap bigla nalang nagbago ang lahat. Naghiwalay sila. Walang nagawa si Joshua kundi umiyak sa tulay kasabay ang lumolubog na araw. Lumipas ang ilang taon bumalik si Alyana, ngunit iba na ang nasaksihan niya. Iba na ang nakita niya! Ang dating malinis na Joshua ngayon ay isang napakadumi na, matataas na din ang kanyang buhok at amoy araw na parang ilang linggong hindi naligo labis ang kanyang pagkalungkot ng malamang dahil pala sa kanya kaya ito nagging ganito. Kaya ito nagging baliw. Bigla nyang naalala ang lahat ng pinagsamahan nila. Humingi sya ng tawad dito ngunit huli na ang lahat. Namatay si Joshua dahil sa loob ng ilang araw parati lang itong nasa tulay. Hindi kumakain palaging umiiyak at parating hinihintay n asana bumalik sa dati ang lahat

~the end.



Wednesday 22 February 2017

Ibalik ang Death Penalty


            Droga, gun-for-hire killings, pagpatay, pangagahasa, child prostitution, kidnapping, terorismo at corruption. Iilan lamang ito sa lumalaking krimen sa ating bansa. Subalit lahat ng krimen na ito ay may iiang solusyon, ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas. Ayon sa aking obserbasyon dapat lamang itong ibalk dahil hindi natatakot ang mga kriminal sa ating batas ngayon, dumadami na sila at nagkukulang na ang mga pasilidad kung saan sila ikukulong. Nagiging headquarters na lamang ng mga kriminal ang kulungan, hindi naman lahat ng kriminal ay nagdurusa sa kaniang krimen na ginawa, at may mga kriminal na hindi titigil sa paggawa ng kasamaan. Habang nabubuhay ay patuloy pa rin silang lilikha ng krimen at uusbong naman ang mga bagong kriminal.


              Death penalty lamang ang solusyon ditto dahil ayon sa aking nabasa na artikulo binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Nagsisi, nagiging banal ito, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, at hinahanda ang kanyang sarili sa pagpanaw. Dahil ang mga kriminal ay wlang malasakit sa mga tao, may malasakit lamang sila sa kanilang sarili nilang buhay. Kaya tanging death penalty lamang ang makakapigil sa kanila na gumawa ng krimen, dahil alam nila na kamatyan ang magiging parusa sa kanila. Ayon sa artikulo na aking nabasa na dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system upang magkaroon ng mabilis, malinis at pantay na paglilitis sa mga krimen. Kaya dapat lamang itong ibalik upang mapigilan at masugpo ang krimen sa ating lipunan.     


                                                                                                                                                                                                                                                                             - ALBRAN C. PORRAS

Saturday 18 February 2017

Smoking kills

        Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?". 

         Sa panahon ngayun ay naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. 


         Kailangan na talaga itong matigil dahil libo-libong mga tao ang namamatay dahil lg sa isang stick ng sigarilyo.Para mahinto ito ay kailangan ng aksyon galing sa gobyerno at mas hihigpitan pa nila ang batas na ginagawa ukol sa pag sisigarilyo upang matapos na talaga ito at mas makakaunti nalang ang bilang ng mga taong nag hihithit ng sigarilyo.

                                                                                       -Dave Jhon Relativo

Sunday 12 February 2017

“THIRD EYE”



Nagsimula ito noong Grade 2 palang ako. Kasi lumipat kmi ng tinitirihan. Sa tita ko kasi nga nag iisa lang sya dun sa pinarenovate nyang bahay. kaya para may kasama sya, doon niya kami pinatira. Unang gabi namin dun sa bahay, ok naman. Pero nung mga sumunod na araw parang may nararamdaman akong kakaiba. Kasi yung pinto sa kwarto ni tita kusang bumubukas at biglang sasara. Hindi ko nalang pinansin yung kasi akala ko dahil lang sa hangin yun. Pero nagkamali ako. Hanggang si mama naka naranasan din ng ganon. Kasi habang may pasok ako si mama lang mag isa dun sa bahay kasi si tita nagtatrabaho din. Hanggang sa magpatuloy yung pangyayaring yun kaya kami ni mama hindi nalang namin pinapansin. At isang araw, palabas ako ng bahay bubuksan ko na sana yung pinto pero biglang bumukas yung piano! (Yung piano kasing yun parang luma na yung may takip pa sa kanyang keyboard) Kaya nagulat talaga ako! Parang hindi ako makagalaw. Buti nalang dumating si mama kaya yun parang bumalik yung normal na kaisipan ko. Hindi ako namalikmata totoo talaga yun. Kaya sinabi ko kaagad kay mama. Pero sabi ni mama pabayaan ko nalang daw hindi naman nila ako inaano. Kasi sabi ng mga kapitbahay namin parang may nakatira na daw doon na hindi natin nakikita dahil matagal na daw na walang nakatira doon. Pinarenovate lang kasi yun ni tita. kaya pagkalipas ng ilang taon parang nagamit na talaga kami sa mga kababalaghang nangyayari doon sa bahay na yon. Marami akong nakikita na hindi nakikita nila mama. Minsan nga ng dumating ako sa bahay pagkatapos ng klase ko nagulat si mama nung pumasok ako kasi daw meron daw pumasok kanina sa kwarto ko akala nya daw ako kasi magkatulad daw kmi ng suot at pati yung bag. Kaya kinilabutan ako parang ayoko ng pumasok sa kwarto ko pero nilabanan ko yung takot ko. Salamat sa diyos at wala naman akong nakita.pagkatapos nang taon na iyon taong 2015 or 16 ata, Grade 10 ako. Hindi ko na matandaan yung month. Nagkasakit ako. Nakahiga ako sa kwarto ko around 6pm ata. Then si mama naman nagluluto sa kusina. Habang nagmumuni muni ako, biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Akala ko si mama pero hindi Isang anino ng lalake. Anino lg siya. Papalapit sya saakin ng biglang nasa harapan ko na yung anino ng biglang may bumulong sakin. Sabi nya "patyon tika" (It means papatayin niya daw ako) Syempre sa takot ko kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto papunta ako kay mama. Nang dumating ako kay mama grabe yung iyak ko. Ilang minuto ag lumipas dumating si papa. Nang makita ako ni papa na umiiyak parang nataranta sya. Sabi nya ano daw ang nangyari sakin sinabi rin sa kanya ni mama yung dahilan. Kaya ayon sinamahan nila ako. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak ng biglang nawalan na ako ng malay. Hanggang doon lang ang natatandaan ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayari kaya kinwento sakin ni mama. kaya ayun na nga nung nawalan ako ng malay humingi si papa ng tulong sa kapitbahay namin. Sabi ng isa naming kapitbahay baka raw sinapian ako. Tumawag din yung isang kapitbahay namin ng tricycle upang madala ako sa hospital. Nang dumating yung sasakyan agad akong binuhat ni papa laking gulat niya daw kasi bakit daw aang bigat ko na! Kasi nga hindi naman ako mataba. Payat ako eh. Pero nakapagtataka ang bigat ko daw sabi ni papa. Habang papunta kmi ng hospital nagdadasal daw si mama. At umiiyak na daw nun si papa kasi hindi nila alam kung ano talaga yung nangyayari saakin. Nang makarating kmi sa hospital dali dali daw akong binuhat ni papa papunta sa E.R. at nagulat sya bigla na akong gumaan. Nagulat din si mama ng bigla akong dumilat at yung mata ko daw eh parang nanlilisik na parang galit na galit. Tumawa daw ako ng malakas. Iche'check na sana ako ng doctor kaso nagpupumiglas daw ako na parang tatakbo. Nahihirapan na rin si papa sa pagpigil sakin. Gulong'gulo na daw yung buhok ko. Nagwawala daw ako. Nilapitan daw ng isang babae si mama at sinabihan na baka raw sinapian ako kasi yun din ang nangyari sa ate niya. Binigyan nya din si mama ng rosary. Sabi nya ibigay daw sakin ni mama. Akmang ibibigay na daw sakin ni mama pero bigla daw akong tumingin kay mama na parang susunggaban ko daw siya. Hindi ko na daw kilala si mama nung mga time na yon. Napagsabihan pa daw si mama ng doctor na baka daw nag dradrugs ako! Hindi pa nga ako nakakakita niyan!
So pagkalipas daw ng ilang minuto kumalma na daw ako. Hindi ko na daw pilit na kinukuha yung oxygen kasi nilagyan daw ako ng oxygen ng isang nurse dun. Kasi nga akala niya nahimatay ako kaya nilagyan nya ako ng oxygen.kaya ayun na nga habang kumakalma ako nilagay ni mama yung rosary sa bulsat ko. At bigla daw akong nahimatay ulit. tapos paggising ko, nagtataka ako kasi hindi ko alam na nasa hospital kmi. Kaya ayun pinauwi na ako ng doktor kasi daw wala nman akong sakit. Ok naman daw yung resulta ng test nila sakin. Nang umuwi na kami sa bahay hindi na ako natulog sa kwarto ko dun na ako kila mama. Para mabantayan nila ako. Tapos sa sumunod na mga araw sumakit yung buong katawan ko kasi nga nagpupumiglas daw ako sa hospital. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, marami parin akong nakikitang kung ano ano. Sa school namin marami na din akong nakikita at naexperience na kababalaghan. Sabi nga nila bukas daw yung third eye ko. Kaya sa mga teenagers na katulad ko, palagi kayong magprat tsaka magdala ng rosary. Para mapalayo tayo sa kapahamakan. 


Nestor BriƱa Jr.

PANUTO SA 
PAGSASAING NG KANIN

1.Magtakal ng isa hanggang dalawang basong bigas at ilagay sa Rice cooker.

2.Banlawan ang bigas tatlo hanggang apat na beses

3.Maglagay ng malinis na tubig sa kasukat na bigas

4.Bago ilagay sa oag sasaingan,punasan ang ilalim

5.Isaksak ang Rice cooker at takpan.

Thursday 9 February 2017

“Mandatory Drug Test sa mga Guro at Estudyante sa mga Pampublikong Paaralan”


Ni: Rona Jean M. Diaz

Napaulat na sa marami ng pahayagan sa buong bansa na pumapasok na  sa mga paaralan ang mga Drug Pushers upang hikayatin ang mga mag-aaral na sumubok ng ilegal na droga at minsan pa umano ay mismong estudyante ang ginagawang drug courier at runner ng mga sindikato ng ilegal na droga, dahil ang mga menor de edad ay hindi maaaring gawing criminally liable sa ilalim ng Juvenille Law.
Dahil sa pangyayaring ito, maraming  sektor ang sumang-ayon na ipatupad sa bawat pampublikong paaralan sa Pilipinas ang Mandatory Drug Test sa mga guro at estudyante upang tuluyan ng mailayo ang mga learning institution sa masamang epekto ng ilegal na droga. Ako, bilang isang kabataan, sumasang-ayon ako dahil para ito sa kapakanan ng bawat kabataan at mamamayan ng Pilipinas.
May iilang sektor na nagsasabi na kabawasan lamang ito sa pera ng bayan. Mali ang kanilang pananaw, sa halip na gastusin sa mga proyektong hindi matapos-tapos, gatusin na lamang ito sa pagpugso ng ilegal na droga. Marapat lamang na simulan ito sa paaralan upang maraming kabataan ang mabigyan ng atensyon  ng ating  gobyerno.
Habang maaga pa simulan na, isipin natin na pag ang isang mangga ang nabulok sa loob ng kahon ay maapektuhan ang iba pang mangga paglumaon. Hindi ito kabawasan, layunin lamang ng gobyerno na ilayo ang kabataan sa droga at sisimulan ito sa paaralan.