Nagsimula ito noong
Grade 2 palang ako. Kasi lumipat kmi ng tinitirihan. Sa tita ko kasi nga nag
iisa lang sya dun sa pinarenovate nyang bahay. kaya para may kasama sya, doon
niya kami pinatira. Unang gabi namin dun sa bahay, ok naman. Pero nung mga sumunod
na araw parang may nararamdaman akong kakaiba. Kasi yung pinto sa kwarto ni
tita kusang bumubukas at biglang sasara. Hindi ko nalang pinansin yung kasi
akala ko dahil lang sa hangin yun. Pero nagkamali ako. Hanggang si mama naka
naranasan din ng ganon. Kasi habang may pasok ako si mama lang mag isa dun sa
bahay kasi si tita nagtatrabaho din. Hanggang sa magpatuloy yung pangyayaring
yun kaya kami ni mama hindi nalang namin pinapansin. At isang araw, palabas ako
ng bahay bubuksan ko na sana yung pinto pero biglang bumukas yung piano! (Yung
piano kasing yun parang luma na yung may takip pa sa kanyang keyboard) Kaya
nagulat talaga ako! Parang hindi ako makagalaw. Buti nalang dumating si mama
kaya yun parang bumalik yung normal na kaisipan ko. Hindi ako namalikmata totoo
talaga yun. Kaya sinabi ko kaagad kay mama. Pero sabi ni mama pabayaan ko
nalang daw hindi naman nila ako inaano. Kasi sabi ng mga kapitbahay namin
parang may nakatira na daw doon na hindi natin nakikita dahil matagal na daw na
walang nakatira doon. Pinarenovate lang kasi yun ni tita. kaya pagkalipas ng
ilang taon parang nagamit na talaga kami sa mga kababalaghang nangyayari doon
sa bahay na yon. Marami akong nakikita na hindi nakikita nila mama. Minsan nga
ng dumating ako sa bahay pagkatapos ng klase ko nagulat si mama nung pumasok
ako kasi daw meron daw pumasok kanina sa kwarto ko akala nya daw ako kasi
magkatulad daw kmi ng suot at pati yung bag. Kaya kinilabutan ako parang ayoko
ng pumasok sa kwarto ko pero nilabanan ko yung takot ko. Salamat sa diyos at
wala naman akong nakita.pagkatapos nang taon na iyon taong 2015 or 16 ata,
Grade 10 ako. Hindi ko na matandaan yung month. Nagkasakit ako. Nakahiga ako sa
kwarto ko around 6pm ata. Then si mama naman nagluluto sa kusina. Habang
nagmumuni muni ako, biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Akala ko si mama
pero hindi Isang anino ng lalake. Anino lg siya. Papalapit sya saakin ng
biglang nasa harapan ko na yung anino ng biglang may bumulong sakin. Sabi nya
"patyon tika" (It means papatayin niya daw ako) Syempre sa takot ko
kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto papunta ako kay mama. Nang dumating
ako kay mama grabe yung iyak ko. Ilang minuto ag lumipas dumating si papa. Nang
makita ako ni papa na umiiyak parang nataranta sya. Sabi nya ano daw ang
nangyari sakin sinabi rin sa kanya ni mama yung dahilan. Kaya ayon sinamahan
nila ako. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak ng biglang nawalan na ako ng
malay. Hanggang doon lang ang natatandaan ko. Hindi ko na alam ang mga
nangyayari kaya kinwento sakin ni mama. kaya ayun na nga nung nawalan ako ng
malay humingi si papa ng tulong sa kapitbahay namin. Sabi ng isa naming
kapitbahay baka raw sinapian ako. Tumawag din yung isang kapitbahay namin ng
tricycle upang madala ako sa hospital. Nang dumating yung sasakyan agad akong
binuhat ni papa laking gulat niya daw kasi bakit daw aang bigat ko na! Kasi nga
hindi naman ako mataba. Payat ako eh. Pero nakapagtataka ang bigat ko daw sabi
ni papa. Habang papunta kmi ng hospital nagdadasal daw si mama. At umiiyak na daw
nun si papa kasi hindi nila alam kung ano talaga yung nangyayari saakin. Nang
makarating kmi sa hospital dali dali daw akong binuhat ni papa papunta sa E.R.
at nagulat sya bigla na akong gumaan. Nagulat din si mama ng bigla akong
dumilat at yung mata ko daw eh parang nanlilisik na parang galit na galit.
Tumawa daw ako ng malakas. Iche'check na sana ako ng doctor kaso nagpupumiglas
daw ako na parang tatakbo. Nahihirapan na rin si papa sa pagpigil sakin.
Gulong'gulo na daw yung buhok ko. Nagwawala daw ako. Nilapitan daw ng isang
babae si mama at sinabihan na baka raw sinapian ako kasi yun din ang nangyari
sa ate niya. Binigyan nya din si mama ng rosary. Sabi nya ibigay daw sakin ni
mama. Akmang ibibigay na daw sakin ni mama pero bigla daw akong tumingin kay
mama na parang susunggaban ko daw siya. Hindi ko na daw kilala si mama nung mga
time na yon. Napagsabihan pa daw si mama ng doctor na baka daw nag dradrugs
ako! Hindi pa nga ako nakakakita niyan!
So pagkalipas daw ng ilang minuto kumalma na daw ako. Hindi ko na daw pilit na kinukuha yung oxygen kasi nilagyan daw ako ng oxygen ng isang nurse dun. Kasi nga akala niya nahimatay ako kaya nilagyan nya ako ng oxygen.kaya ayun na nga habang kumakalma ako nilagay ni mama yung rosary sa bulsat ko. At bigla daw akong nahimatay ulit. tapos paggising ko, nagtataka ako kasi hindi ko alam na nasa hospital kmi. Kaya ayun pinauwi na ako ng doktor kasi daw wala nman akong sakit. Ok naman daw yung resulta ng test nila sakin. Nang umuwi na kami sa bahay hindi na ako natulog sa kwarto ko dun na ako kila mama. Para mabantayan nila ako. Tapos sa sumunod na mga araw sumakit yung buong katawan ko kasi nga nagpupumiglas daw ako sa hospital. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, marami parin akong nakikitang kung ano ano. Sa school namin marami na din akong nakikita at naexperience na kababalaghan. Sabi nga nila bukas daw yung third eye ko. Kaya sa mga teenagers na katulad ko, palagi kayong magprat tsaka magdala ng rosary. Para mapalayo tayo sa kapahamakan.

No comments:
Post a Comment