Saturday, 18 February 2017

Smoking kills

        Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito, "Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?". 

         Sa panahon ngayun ay naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. 


         Kailangan na talaga itong matigil dahil libo-libong mga tao ang namamatay dahil lg sa isang stick ng sigarilyo.Para mahinto ito ay kailangan ng aksyon galing sa gobyerno at mas hihigpitan pa nila ang batas na ginagawa ukol sa pag sisigarilyo upang matapos na talaga ito at mas makakaunti nalang ang bilang ng mga taong nag hihithit ng sigarilyo.

                                                                                       -Dave Jhon Relativo

No comments:

Post a Comment