Ni:
Rona Jean M. Diaz
Napaulat
na sa marami ng pahayagan sa buong bansa na pumapasok na sa mga paaralan ang mga Drug Pushers upang hikayatin ang mga mag-aaral na sumubok ng ilegal
na droga at minsan pa umano ay mismong estudyante ang ginagawang drug courier at runner ng mga sindikato ng ilegal na droga, dahil ang mga menor de
edad ay hindi maaaring gawing criminally liable sa ilalim ng Juvenille Law.
Dahil
sa pangyayaring ito, maraming sektor ang
sumang-ayon na ipatupad sa bawat pampublikong paaralan sa Pilipinas ang
Mandatory Drug Test sa mga guro at estudyante upang tuluyan ng mailayo ang mga learning institution sa masamang epekto
ng ilegal na droga. Ako, bilang isang kabataan, sumasang-ayon ako dahil para
ito sa kapakanan ng bawat kabataan at mamamayan ng Pilipinas.
May
iilang sektor na nagsasabi na kabawasan lamang ito sa pera ng bayan. Mali ang
kanilang pananaw, sa halip na gastusin sa mga proyektong hindi matapos-tapos, gatusin
na lamang ito sa pagpugso ng ilegal na droga. Marapat lamang na simulan ito sa
paaralan upang maraming kabataan ang mabigyan ng atensyon ng ating
gobyerno.
Habang
maaga pa simulan na, isipin natin na pag ang isang mangga ang nabulok sa loob
ng kahon ay maapektuhan ang iba pang mangga paglumaon. Hindi ito kabawasan,
layunin lamang ng gobyerno na ilayo ang kabataan sa droga at sisimulan ito sa
paaralan.
No comments:
Post a Comment