Droga, gun-for-hire killings,
pagpatay, pangagahasa, child prostitution, kidnapping, terorismo at corruption.
Iilan lamang ito sa lumalaking krimen sa ating bansa. Subalit lahat ng krimen
na ito ay may iiang solusyon, ang pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.
Ayon sa aking obserbasyon dapat lamang itong ibalk dahil hindi natatakot ang
mga kriminal sa ating batas ngayon, dumadami na sila at nagkukulang na ang mga
pasilidad kung saan sila ikukulong. Nagiging headquarters na lamang ng mga
kriminal ang kulungan, hindi naman lahat ng kriminal ay nagdurusa sa kaniang
krimen na ginawa, at may mga kriminal na hindi titigil sa paggawa ng kasamaan.
Habang nabubuhay ay patuloy pa rin silang lilikha ng krimen at uusbong naman
ang mga bagong kriminal.
Death
penalty lamang ang solusyon ditto dahil ayon sa aking nabasa na artikulo
binabago ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Nagsisi, nagiging
banal ito, tinatanggap ang nagawang pagkakamali, at hinahanda ang kanyang sarili
sa pagpanaw. Dahil ang mga kriminal ay wlang malasakit sa mga tao, may
malasakit lamang sila sa kanilang sarili nilang buhay. Kaya tanging death
penalty lamang ang makakapigil sa kanila na gumawa ng krimen, dahil alam nila
na kamatyan ang magiging parusa sa kanila. Ayon sa artikulo na aking nabasa na
dapat din syempreng repasuhin agad ang judiciary system upang magkaroon ng
mabilis, malinis at pantay na paglilitis sa mga krimen. Kaya dapat lamang itong
ibalik upang mapigilan at masugpo ang krimen sa ating lipunan.
- ALBRAN C. PORRAS
- ALBRAN C. PORRAS